โ€œPersonally, I think teaching is the best job. I enjoy every bit of my job.โ€

Ganito ilarawan ni Maria Krisel Zafaralla, o Teacher Kring, ang kanyang propesyon bilang isang guro.

Siya ay nagtuturo sa mga grade 1 pupils sa Sunggiam Elementary School sa San Juan, Ilocos Sur.

Masaya si Teacher Kring sa kanyang propesyon dahil siya ay nagiging instrumento sa paghubog sa mga bata hindi lamang sa kanilang intelektwal na kaalaman, bagkus maging ang kanilang mabuting asal.

โ€œEspecially in my case, Iโ€™m handling Grade 1, I can see the eagerness of my learners to come to school and be able to learn. Hence, in return I am giving my 100% best to fill all the gaps that the pandemic brought to them.โ€

Si Teacher Kring ay naging benepisyaryo ng DOLE Special Program for the Employment of Students (SPES) noong 2009 hanggang 2012. Siya ay nagtrabaho sa Pamahalaang Bayan ng San Juan, Ilocos Sur.

Malaking tulong ang pagiging SPES baby ni Teacher Kring sa kanyang bokasyon ngayon bilang isang guro.

โ€œSPES helped me not just financially but also build my confidence to be a better version of myself. This program made me realize the essence of earning for a living and to value the fruits of my labor.โ€

Ang kahalagahan ng pagsusumikap na kanyang natutunan noon ang siya ding ihinuhubog ni Teacher Kring sa kanyang mga mag-aaral ngayon.

Sa pagpanaw ng kanyang ina, mag-isang itinaguyod ng ama ni Teacher Kring ang buong pamilya. Bilang isang anak ng single parent, batid niya ang hirap ng buhay.

โ€œI grabbed every opportunity to earn, and SPES was one of them.โ€

Ang sahod na natanggap ni Teacher Kring noon ang ginamit niyang allowance, na siyang nagtawid sa kanya sa kolehiyo.

Malaki din ang pasasalamat ni Teacher Kring sa mga nakasama niya sa LGU San Juan noong nag-uumpisa pa lamang siya. Aniya, sa kanilang kabaitan at pagiging mapagbigay, naramdaman niya na ang mundo ay puno parin ng kabutihan, sa kabila ng mabibigat na hamon ng buhay.

โ€œGod really moves in mysterious ways and used several institutions to help people in need and SPES is one of those instruments sent by God. SPES helped me achieve my dream profession and made me a better person.โ€

Last Updated on September 16, 2022 by Justin Paul Marbella