Maligayang Araw ng Paggawa sa lahat ng Manggagawang Pilipino sa loob ng bansa at sa buong mundo!
Matitinding hamon ang ating kinaharap sa nakalipas na dalawang taon. Marami dito ay ating napagtagumpayan dahil sa ipinamalas na tapang at katatagan ng manggagawang Pilipino.
Ngayong taon, nais nating pasalamatan ang natatanging kontribusyon at mahalagang gampanin ng sektor ng paggawa sa patuloy na pagbangon at pag-unlad ng ating ekonomiya.
Kaakibat ng isang produktibong ekonomiya ang pagkakaroon ng matatag na hanay ng manggagawa. Kaya naman, patuloy na nagsusulong ang pamahalaan ng ibaโt-ibang proyekto upang ibayo pang paunlarin ang ating lakas-paggawa.
This year, we are opening the first-ever hospital for Overseas Filipino Workers and their families as a fitting tribute to our modern-day heroes who have kept the economy afloat during the pandemic.
Patuloy rin nating isinusulong ang mga polisiya na naglalayong mapabuti ang buhay ng bawat manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng disente at produktibong trabaho.
On behalf of the Department of Labor and Employment, I assure you of our relentless commitment to upholding the rights and safeguarding the welfare of Filipino workers.
Muli, isang taos-pusong pagsaludo sa bawat manggagawang Pilipino!
Mabuhay ang Pilipinas!
SILVESTRE H. BELLO III
Last Updated on May 6, 2022 by Justin Paul Marbella