Hindi sila ang three wise men (mas wise sila doon), hindi rin sina Tito, Vic, at Joey, (mas pogi sila doon) at lalong-lalo nang hindi sila ang the three musketeers!
Ipinakikilala sina Steve, Jonfoll, at Reynan…ang HOTS men ng Vigan City!
Sila ang unang tatlong Hired On the Spot (HOTS) sa isinasagawang Job Fair ngayong araw, Mayo Uno, bilang pagdiriwang ng Labor Day.
Maswerte ang tatlong kalalakihan na ito dahil wala pa mang isang oras na bukas ang job fair ay na-hire na sila agad!
Si Steve, 42 years old, ay nakuhang Salesman sa JTC Mall, Vigan City. Siya ay residente ng Sta. Catalina, Ilocos Sur.
Si Reynan naman, 32 years old, ay na-hire bilang welder ng RTK Marketing. Masaya siya dahil sa dami ng nag-apply, siya ang mapalad na napili ng employer.
Si Jonfoll, 37, ay nakuhang driver para sa RKT Marketing. Alas-siyete palang ng umaga ay nakapila na siya sa venue, kaya naman sulit talaga ang kanyang pagiging maaga!
Nasa 40 HOTS na ang naitala ng DOLE sa Labor Day Job Fairs sa apat na venue dito sa Region 1. Inaasahang dadami pa ito habang patuloy ang pagdagsa ng mga jobseekers sa mga venue na sumusunod:
VIGAN | Provincial Farmers Livelihood Development Center
LINGAYEN | PESO Building, Lingayen, Pangasinan
STA. BARBARA | Orbos Gym, Sta. Barbara, Pangasinan
URDANETA | MMX Event Center, Magic Mall, Urdaneta City
Pwede pa kayong humabol, jobseekers! Bukas ang job fairs hanggang alas-singko ng hapon.
Malay mo, ikaw na ang next HOTS!
Last Updated on May 26, 2023 by Justin Paul Marbella