Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-121 Araw ng Paggawa o Labor Day, mabibili ngayong araw, Abril 30, 2023, ang mga abot-presyong paninda ng iba’t ibang farmers and entrepreneurs sa isinasagawang Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa, sa CSI Atrium, Lucao, Dagupan City, Pangasinan.
Nasa 23 sellers ang nagdala ng kanilang mga produkto, na kanilang ibinibenta ngayon sa abot-kayang halaga, bilang handog sa mga manggagawa sa Dagupan City at sa buong probinsya ng Pangasinan.
Ang Kadiwa ng Pangulo ay programa ng Department of Agriculture (DA) na naglalayong bigyang daan ang mga farmers and agripreneurs na direktang madala ang kanilang produkto sa merkado.
At sa pagdiriwang nga ng Labor Day, nakipag-ugnayan sa DA ang DOLE Regional Office 1 at ang City Government of Dagupan upang maghandog ng espesyal na Kadiwa para sa mga manggagawa sa lungsod.
Nanguna sina Dagupan City Mayor Belen Fernandez, DOLE RO1 Regional Director Exequiel Ronie A. Guzman, ARD Honorina Dian-Baga and Central Pangasinan Field Office Head Agnes Aguinaldo, sa pagbubukas ng Kadiwa kaninang umaga.
Ang mga nasabing murang bilihin ay mabibili sa CSI Lucao hanggang alas-singko ng hapon.
Last Updated on May 3, 2023 by Justin Paul Marbella