Isang malugod na pagbati ang ipinapaabot ng DOLE Regional Office 1 sa ating mga LGUs at PESO Managers na nagtaguyod ng bandila ng Region 1 sa ginanap na Secretary’s PESO Bayanihan Service Awards 2021, bilang bahagi ng 22nd National PESO Congress nitong October 25-27, 2022, sa SMX Convention Center, Clark, Pampanga.

Sa pamumuno ni Regional Director Exequiel Ronie A. Guzman, taos-puso ang pasasalamat ng DOLE Region 1 sa ating mga PESO Managers sa isang mahusay na pakikilahok sa patimpalak, at sa kanilang pagpapakita ng kahusayan ng mga PESOs dito sa Ilocos Region.

Natatangi ang ating pagsaludo sa PESO Balungao, Pangasinan, na itinanghal na Best PESO under the 3rd-4th Class Municipality category. Ang pagkilalang ito ay nakamit ng bayan sa pamumuno nina Mayor Maria Theresa R. Peralta at PESO Manager Raquel T. Caseres.

Ang iba pang kumatawan sa Region 1 ay ang mga: PESO Provincial Government of Pangasinan thru PESO Manager Alex Ferrer (provincial category); PESO Alaminos City thru PESO Manager Eleanor T. Bruno (component city); and PESO Rosario, La Union thru PESO Manager Amparo S. Mabalot (1st – 2nd class municipality).

Maraming salamat at congratulations, mga minamahal naming PESO Managers!

Last Updated on November 11, 2022 by Justin Paul Marbella